Pag-linang ng kaalaman tungkol sa KompyuterAng komputer ay binubuo ng iba't-ibang bahagi. Ang mga ito ay nag tutulong-tulong upang makagawa ng pangunahing gawain. Ang mga bahaging ito ay tinatawag na "device"

Mga parte ng kompyuter
Monitor
-Ito ay katulad ng isang telebisyon
-Dito lumalabas sa pamamagitan ng display ang impormasyon na nanggagaling sa computer.

Central Processing Unit (CPU)
-Tinatawag na utak ng Komputer
-Ito nag nagsasaad sa mga bahagi ng Kompyuter kung ano ang pangunahing gawin.
Keyboard-Kaparehas ng isang type writer.
-Marami itong "buttons" tinatwag na keys.
-Ginagamit natin ang keyboard para mag-type ng mga titik, numero at mga simbolo.

Mouse
-Ito ang kumokontrol sa galaw ng "on-screen pointer".
-Pag ginalaw natin ang mouse ang cursor ay gumagalaw din.
-Ang galaw ng mouse ang nagsasaad ng gawain ng Kompyuter.
Mga Paraan sa Pag-gamit ng Windows DesktopAno ang Windows Desktop ?
- Ang Windows Desktop ay isang parte ng kompyuter na kung saan maari mong makita ang ibat ibang klaseng icon na maaring makatulong sa iyo sa pag aaral at pagtatrabaho.
Maraming mga Parte ang Windows Desktop at sa bawat parte na ito ay maraming nakapaloob na mga icon na makakatulong sa atin.

Start Menu
Ang Start menu ay ang pangunahing lokasyon sa Windows upang mahanap ang iyong mga naka-install na programa at makahanap ng anumang mga file o mga folder. Bilang default, ma-access ang Start menu sa pamamagitan ng pag-click sa Start, na may logo ng Windows dito at matatagpuan sa ibabang kaliwang sulok ng screen ng Windows desktop.




No comments:
Post a Comment